General Information and other helpful jobs

Costco and Carrefour were among of 7 establishments that were closed for disinfection due to Taiwan Navy's COVID-19 cases



Ngayong araw ng Lunes, Abril, 20, pansamantalang isinarado ang pitong "establishments" sa Kaohsiung para sa "disinfection" dahil sa siyam sa 24 na mga miyembro ng Taiwan Navy na nagpositibo sa COVID-19 ay pumunta sa mga lugar gaya Costco, Carrefour, a mall, at night market.

Base sa inilabas na ulat ng Central Epidemic Command Center ng Taiwan kahapon araw ng Linggo, 21 na mga miyembro ng Taiwan Navy ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa report, ang mga barko na Panshih, Cheng Kung-class guided-missile fridget, Yueh Fei, at Lafayette class fridget "Kang Ding" ay naglayag noong Marso papunta sa Pacific Alley sa Palau para sa isang "Fleet of Friendship" noong March 12-15 at 30 na araw na naglayag pabalik ng Taiwan na kung saan nakitaan ang ilang miyembro ng sintomas ng COVID-19 at base sa isinagawang pagsusuri ay 21 ang nagpositibo.

Matatandaang nauna na rito kahapon na nagpositibo ang 3 miyembro ng Taiwan Navy at sumailalim sa quarantine at pagsusuri ang nasa 700 na miyembro, 21 dito ang nagpositibo ngayong araw ng Linggo.

Sa ngayon ay umakyat na sa 420 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansang Taiwan.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive