General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

COVID-19 Survivor nagulat sa hospital bill na umabot ng P1.3 million


Isang COVID-19 Survivor nagulat sa kanyang hospital bill? nagulat umano si Juliet Alunan isang COVID-19 Survivor matapos umabot sa P1.3 milyon ang kanyang hospital bill. Marso ng isinugod si Ginang Alunan sa ospital matapos makaranas ng lagnat, ubo at hirap sa paghinga sa loob ng 8 araw.

"Yong difficulty of breathing talaga, that's the time na parang mapupugto 'yong hininga ko kapag uubo na ako ta's sabay na hriap na akong huminga," ani ni Alunan.

Apat na araw na na-intubate si Alunan dahil sa COVID-19, nasa isip nalang daw sa mga oras na iyon ang kanyang asawa at mga anak.

"Nagdasal na alang ako, alam ko na puwede ako mamatay anytime. Alam ko na kapag intubate ka, nasa bingit ka ng kamatayan" aniya.

Apat na araw matapos na sumailalim si Alunan sa intubation ay agad namang bumuti ang kanyang pakiramdam ngunit laking gulat naman niya sa kanyang hospital bill na umabot sa P1.3 milyon. Pero masuwerte pa rin daw siya dahil sinagot ng PHILHEALTH ang kanyang mga gastusin.

Sa ngayon ay nakalabas na siya ng ospital pero nanatili pa rin sa isang kwarto sa kanilang bahay at sumasailalim sa dalawang linggong quarantine.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive