General Information and other helpful jobs

300,000 Face Masks donation from Taiwan has arrived in the Philippines



Dumating na sa Pilipinas ang nasa 300,000 na facemasks na binigay ng bansang Taiwan.

Ngayon araw ng Miyerkules, Abril 15, ay sinalubong ni Vice- Chairman Gilberto Lauengco ng Manila Economic and Cultural Office(MECO) at Representative Michael Hsu ng Taipei Economic and Cultural Office(TECO) ang mga donasyon mula sa Taiwan.

Lulan ng Eva Air kanina ay sinalubong sa NAIA ng mga kawani ng magkabilang bansa ang nasabing donasyon.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang MECo sa Taiwan. "On behalf of the Philippine government, thanks the Taiwan government for its kind gesture of helping with its efforts against the pandemic and the donation will be a welcome reinforcement for hospital frontliners."

Pinuri naman ni MECO Chairman Angelito Banayo ang mga ginagawang hakbang ng gobyerno ng Taiwan sa pagsugpo ng pandemic COVID-19. Ayon sa kanya, "In Taiwan, for instance, the police quickly track down the potential extent of contagion. The NHI (National Health Insurance) card contains the cardholder's medical history, so that vulnerable citizens with weaker immune systems are prioritized by the health system,"

Pinuri rin ni Banayo ang maagap na produksyon ng Face Masks na umaabot hanggang 10 milyon kada araw. At maayos na sistema ng pagrasyon haggang sa mga parmasya.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive