General Information and other helpful jobs

Drilon urged for recall and probe of POLO Taichung Labor Attaché Macauyag



Dahil sa isyu ng pagpapa-deport sa Pinay Caregiver sa Taiwan nanawagan si Senate Minority Leader Franklin Drilon ng isang imbestigasyon at pagpapabalik sa Pilipinas kay POLO Taichung Labor Attaché Fidel Macauyag dahil sa hindi pagiging kwalipikado sa kanyang trabaho.

Aniya “unfit, incompetent and totally unqualified."

Matatandaang inihayag ni Labor Attaché Macauyag ang pagpapauwi sa Pinay Caregiver sa Taiwan dahil sa kasong Cyber Libel.

"We are constrained to act for the deportation of a Filipina working as caregiver in Taiwan for the crime of Cyber libel for willful posting of nasty and malevolent materials against President Duterte on Facebook intended to cause hatred amidst the global health crisis brought about by the COVID-19 pandemic." ayon kay Labor Attaché Macauyag.

Samantala agad naman nilinaw rin ni presidential spokesperson Harry Roque ang isyu sa pagitan ng Gobyerno ng Taiwan at Malacañang, aniya, “Deportation is really a decision to be made by Taiwan authorities … in the same way [that] we will enforce our law on all foreigners while they are under our jurisdiction,”

Matatandang tinabla ng Ministry of Foreign Affairs ng Taiwan ang hiling ng POLO Taichung na i-deport ang Pinay Caregiver. Iginiit ng Taiwan na isa silang bansa na may sariling soberanya.

"Taiwan is a sovereign, independent country where foreign workers enjoy ‘citizen treatment,’ and their rights and interests protected by relevant laws and regulations, including freedom of speech, which should be respected by governments of all countries.” pahayang ng MOFA.

Samantala tinutulungan naman ng Migrante Taiwan ang Pinay Caregiver hinggil sa kinakaharap na isyu.


Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive