General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

First case of "Tick Bites" recorded in Taiwan, authorities warned the public



Unang kaso ng "tick bites" ngayon Spring season ang naitala sa Nantou, Taiwan. Ayon sa Nantou Hospital, isang kilalang Mountaineer ang isinugod sa ospital matapos makitang may mga kagat ito ng "tick." Ayon sa report napansin ng pasyente ang mga insekto na nakakagat sa kanyang tiyan at sinubukang tanggalin isa-isa ngunit hindi ito matanggal dahil nakalubog ang ulo sa pinagkagata kaya agad ito nagpatingin sa ospital. At doon kinumpirma ng doktor na isa itong "tick bites", ang "tick" ay isang insekto na nabubuhay sa pagsisip ng dugo.

Yushan National Park ng Taiwan nagbigay babala sa mga turistang aakyat sa mga kabundukan na maging maingat sa pag-ikot sa mga masusukal na kagubatan at pagupo sa mga damuhan dahil ngayon ay "tick Season." na nagsisimula ng Abril hanggang Oktobre. Paalala naman ng ahensya na magsuot ng light-colored long sleeve, gloves, at takpan ang buong katawan upang makaiwas sa kagat ng nasabing insekto.

Ayon naman sa CDC Taiwan ang sinumang makagat ng "tick" ay maaaring makaranas ng "Fever with amyloid reduction syndrome" na kung saan 17 porsyento ay nauuwi sa kamatayan. Ang insektong ito ay tinatawag rin ng mga "Mountaineers" na "little devil."






Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive