General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

GOOD NEWS: Taiwan has recorded Zero Case of COVID-19 again for third time in a week



Good news po muli, Walang naitalang kaso ng COVID-19 ngayong araw ng Biyernes, Abril 17 ayon sa CECC Taiwan. Kahapon araw ng Huwebes, ay wala rin naitalang kaso ng COVID-19 sa bansang Taiwan at nanatili pa rin sa 395 ang kabuuang kaso sa bansa. At 340 ay imported cases at 55 naman ay local transmission.

Ito na ang pangatlong pagkakataon sa loob ng isang linggo at pagkatapos ng 36 na araw na nakamit ng Taiwan ang "ZERO CASE" ng COVID-19. Martes ng unang walang naitalang kaso ng COVID-19 sa Taiwan.

Ayon sa isang opisyal, sa inihayag ngayong hapon na ulat ay interesado na daw ang WHO sa kung ano ang naging mga hakbang ng Taiwan kung bakit naging matagumpay ito sa pagsugpo ng COVID-19.

"For the first time since March 9, I am happy to say that we recorded no new cases. The pandemic has not stopped so we shouldn't let our guard down, but this is still something to be happy about," said Health Minister Chen Shih-chung (陳時中), who also heads the CECC.

Matatandaang, halos dalawang linggo na na mababa ang kaso ng COVID-19 sa Taiwan at nanatili pa rin sa sa kabuoang bilang a 393 At ayon rin sa ahensya ay 70 percent ng mga pasyente ay nakaranas lang ng mild symptoms.

Lalo hinahangaan ang bansang Taiwan sa kanilang maagap na pagsugpo ng COVID-19, sa katunayan ay walang "lockdown" na naipatupad sa bansa at tuloy pa rin ang kanilang ekonomiya kahit sa gitna ng pandemic COVID-19.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive