General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

In 20 years of Helping OFW in Taiwan "Hindi pa tayo natalo", says Fr. Joy of Taichung



Kahapon araw ng Miyerkules, Abril 29, 2020, ay nagpahayag si Fr. Joyalito "Joy" Tajonera na Founder ng Ugnayan Community Center sa Taiwan hinggil sa kanyang pananaw at mga paglilinaw sa isyu ng deportasyon ng isang OFW sa Taiwan.

Pinamagatan ni Fr. Joy na,  "Ang maling sigaw ng mga OFW sa Taiwan."

"Ang totoo ... Walang deportation sa Taiwan para sa mga OFW ...matagal ng binago ang batas sa Taiwan para pangalagaan
at bigyan ng protection ang karapatan ng mga OFW at lahat ng migrant workers sa Taiwan..

Maraming OFW sa Taiwan (Kasama na ang mga fake news at trolls) ang sumisigaw ...
“Deport... Deport...”.

Ang tawag dito ay maling sigaw (at maaring hindi rin natin alam ang international law at rules) ng mga bansa pag dating sa deportation.

Hindi ba natin alam na ‘deport ... deport’ ang isang malaking problema ng mga OFW sa Taiwan.

Ito ang mga ginagamit ng mga employers at brokers sa mga OFW ... pananakot, maling information at sapilitan na pag papauwi...

Sa loob ng mahigit na 20 taon pag tulong ko sa mga kababayan sa Taiwan .. maraming beses ko ng nasasaksihan na marami sa atin ay hindi alam ang tunay na batas, ang kanilang karapatan pero nakikinig sa mga maling advice, takutan, fake news at trolls...

Sa buhay OFW ng Taiwan ... dapat marunong tayong mag share ng totoo na balita at hindi fake news at trolls.

Maraming OFW ay naloloko if not nag papa loko sa karapatan nila dahil naniniwala sa maling balita... maling information...

Sa mahigit na 20 taon ko na pag tulong sa mga OFW sa Taiwan ... Hindi pa tayo natalo kahit minsan at walang biglang napauwi sa mga tao na nakinig sa aking gabay...

Hindi ako nag karoon ng problema sa Ministry of Labor, sa Immigration, Police at Court ... ito ang patunay na ginagawa ng mga naatasan ang tamang application ng batas sa mga tao na ipinaglalaban ang kanilang karapatan.

Pero nangyayari lang ito kung tayo ay marunong makinig sa tunay na balita, hindi mayabang o matigas ang ulo, pasaway at alam ang tunay na karapatan hindi ang fake news at trolls...

Marami dito ay kumakagat sa pananakot, sa mga banta, pumipirma at sumusulat ng salaysay na alam nila na ayaw nila, hindi totoo at hindi sila agree... at biglaang mapapauwi... deport, deport ..

Marami din dito ang naloloko ng fake news at nabibiktima sa pera at puma pasok sa mga illegal transaction... papuntang Canada at Europe, pyramid scam tulad ng EMgoldex at recently ay sa padala at quick income...

Marami din dito ay sumasakay sa mga ‘fake news’ na pag ibig at pamilya ang nalalaglag
(another topic na ito hahaba na ang sulat ko)

Kailan tayo magiging tapat at totoo sa ating responsibilidad bilang tao at mamayan...?

Kailan tayo magiging maingat na pag aaralan muna ang bawat sitwasyon bago sumali at sumawsaw sa mga issues na hindi maliwanag sa atin ang puno at dulo...?

Dapat alam natin na ang boses ng majority ay hindi necessarily ang tamang boses dahil maaring ito rin ang boses ng ‘mob mentality’ ... sumasabay sa agos masabi na lang na may paninindigan...

The voice of the majority is not necessarily the voice of God...!

Maraming salamat sa Taiwan ... na kung ano man ang kanilang kahinaan bilang bansa at mamayan ... tayo ay maraming natutuhan kung ano ang demokrasya ay kalayaan...

Mahaba pa rin ang ating mga adhikain, marami pa rin dapat baguhin...

Bilang mga banyaga at migrant workers sa Taiwan ... dapat din na tayong lahat ay maingat at mag bigay lamang ng totoong balita ... Hindi fake news at trolls para sa magandang kinabukasan..."

Share:

No comments:

Post a comment

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community
Click the picture to join the group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group
Click the image to join JAPAN HIRING GROUP
Loading...

Blog Archive