General Information and other helpful jobs

Isang kawawang matanda na naglalakad sa kahabaan ng NLEX patungong Manila binigyan ng libreng sakay ng isang Doktor



Isang matandang lalaki ang naglakad mula sa Pampanga patungong Manila ang nadaanan ng isang nagmagandang loob upang isakay siya. Ayon sa pagkukwento ng lalaki, siya ay papuntang Manila para humingi ng tulong sa kapatid niya

Ayon kay Dr. Sherwin Enriquez na isang medical doctor sa PGH. Nadaanan niya si Orlando Fuentes nasa 65 yrs old at walang dalang pagkain o pera. Ang ginagawa daw ng matanda para pagtawid ng gutom ay namimitas ito ng mangga sa gilid ng kalsada madaanan.


Naging emosyonal ang matanda ng pasakayin ito ni Dr. Enriquez. Nang tinanong niya ang matanda kung bakit ito naglalakad sa kahabaan ng NLEX. " walang masakyan" kwento niya habang nangingilid ang luha. At ayon sa kanya ay patungo siya sa Cubao, QC para manghingi ng tulong sa kanyang kapatid. Habang nagkwento ang matanda ay hawak niya sa kanang kamay niya ang binalatang mangga at ilang pirasong nasa supot.

" I decided to give him a ride and five minutes later, he was already sleeping," ayon kay Dr. Enriquez. Pagkadating nila sa Bocaue Exit ay ipinaubaya na ng doktor sa mga awtoridad ang matanda bilang pagsunod sa umiiral na regulasyon ng Enhanced Community Quarantine. Pero bago pa man ito umalis ay binigyan niya ng isang pack ng biscuit at kaunting pera.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive