General Information and other helpful jobs

Isang tatlong buwang bata sa China halos matuklap ang anit sa ulo matapos ngatngatin ng mga daga



Isang bata naman mula sa Mainland China halos nginatngat ang buong ulo ng hinihinalang salarin ay mga daga. Bungo ng bata halos makita na base sa paglalarawan.

Sa Guizhou, China isang tatlong buwang sanggol ang nginatngat ang ulo at kaliwang daliri ng hinihinalang kagagawan ng mga daga. Base sa pahayag ng kanyang Tiyuhin, nakita nalang nila ang bata na may dugo sa unan niya at panay iyak. At halos matuklap at kita na ang bungo sa ulo ng bata, at nagtamo rin ito ng mga sugat sa mukha base sa paglalarawan ng tiyuhin.

Ayon rin sa kanyan ay marami talagang daga sa paligid ng bahay pero marahil nakapasok ang mga daga dahil sa nabasag na salamin sa parte ng bahay.

Ayon sa inisyal na ulat, ang bata ay nasa pangangalaga ng kanyang lola dahil ang mga magulang ay nagtratrabaho.

Base naman sa pahayag ni Dr. Yu Ying ng Pediatric Intensive Medicine ng Guizhou People's Hospital ang mga nakitang sugat ay maaring kagagawan ng mga daga. Pinangangambahan na baka kumalat na ang "bacteria" na dala ng daga.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive