General Information and other helpful jobs

Keelung City Mayor is urging to an unidentified passenger who sat next to COVID-19 Case 409 to come forward



Keelung City Mayor Lin Yu-chang (林右昌) nanawagan ngayong araw ng Lunes sa isang pasahero na sumakay ng rutang Keelung- papuntang Kuo-Kuang na may bus number 1813. Ang oras ng biyahe ay 9:30 p.m.-10 p.m. Abril 17, Biyernes.

Ayon sa alkalde, base sa inilabas na kopya ng CCTV ay nakatabi sa bus ng lalaki ang isang miyembro ng Navy na positibo sa COVID-19. Ang lalaki ay tinatayang nasa edad 30 at nakasuot ng bulaklaking T-shirt na may mga round dots. Hindi naman kita ang kulay ng damit dahil sa black and white na CCTV footage.

Ayon sa alkalde, lahat ng nakasalmuha ni Case 409 ay nasa ilalim na ng quarantine kasama ang driver ng bus. At kung sinuman ang nakakaalam o nakakilala sa pinaghahanap na lalaki ay maari lamang tumawag sa 1922 o 02-24276154.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive