General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

LOOK: 11 Army were killed and 14 were wounded in clash between Abu Sayyaf


Isang malungkot na balita, kahit nasa gitna ng pandemic COVI-19 ang buong mundo at pinapairal ang Community Quarantine sa buong Pilipinas ay nangyari naman ang sagupaan sa pagitan ng rebeldeng grupo ng Abu Sayyaf at 21st Infantry Batallion.

Ayon sa Tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Brigadier General Edgard Arevalo, na nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng bandidong grupo at 11 ang nasawing sundalo at 14 ang lubhang nasugatan. Dakong alas 3:05 p.m sa Brgy. Danag, Patikul Sulu. Hindi naman matiyak sa ngayon kung ilan naman ang nasawi sa grupo ng mga bandido.

"Eleven ang killed in action, 14 ang wounded, It's an encounter with members of the Abu Sayyaf in Patikul." Ayon kay Arevalo.

Ayon naman sa Western Mindanao Command (WestMinCom), nagkaroon ng putukan na umabot halos isang oras sa pagitan ng 21st Infantry Battalion at nasa tinatatayang 40 na mga Abu Sayyaf sa Barangay Danag. 11 ang namatay na sundalo kabilang na ang isang opisyal.

Dagdag pa ng WestMinCom na nawalan sila ng 6 na R4 rifles, K3 SAW Machine gun, R4 rifle na may granade launcher at handheld radio. Sa ngayon ay patuloy pa rin ang "hot pursuit operation laban sa mga bandido. Ayon kay WestMinCom

Share:

No comments:

Post a comment

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community
Click the picture to join the group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group
Click the image to join JAPAN HIRING GROUP
Loading...

Blog Archive