General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Magsasakang ayaw umanong magsuot ng face mask, patay sa pamamaril ng pulis matapos 'mag-amok'


Patay ang isang magsasaka matapos mabaril ng pulis nang tumanggi umano itong magsuot ng face mask at "nag-amok" sa Nasipit, Agusan del Norte nitong Huwebes ng umaga.

Si Police Staff Sgt. Rolly Llones ang nakabaril sa 63 anyos na magsasaka na si Junie Piñar.

Sa imbestigasyon ng Nasipit Police, lasing umano si Piñar nang dumating sa barangay control checkpoint.

Nang mapansin siya ng barangay health worker, inabisuhan siya na magsuot ng face mask alinsunod sa ipinatupad na executive order hinggil sa novel coronavirus pandemic.

Sa halip na makinig, nagalit pa ito umano at sinubukang sugurin ang isang barangay tanod gamit ang kanyang dalang itak.

Tumawag na ng pulis ang tanod at pagdating ni Llones ay siya na umano ang inatake ng magsasaka.

Dalawang beses umanong tinangkang tagain ni Piñar ang pulis pero nakailag ito at naging dahilan para barilin siya nito.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng Nasipit Police si Llones habang isinagawa ang imbestigasyon at dinisarmahan na ito.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive