General Information and other helpful jobs

MECO Taiwan: Guidelines for claiming P10,000 cash assistance for displaced OFW due to COVID-19



Sa mga nagtatanong kung qualified ba kayo para sa programang DOLE-AKAP na layong magbigay ayuda sa mga displaced OFW dahil sa COVID-19.

Matatandaang naglabas ng ulat si Labor Secretary Silvestre H. Bello, III na gagamitin ang pondo ng DOLE-AKAP Program para mamigay ng Financial Assistance na halagang 200US$ o Php10,000.00.

Para sa mga gustong kumuha o mag-inquire kung qualified kayo sa programa ay makipag ugnayan po kayo sa mga tanggapan ng personal o sa pamamagitan Facebook messenger ng mga tanggapan ng MECO, sa 24/7 hotline o email.

Ito po ang pangunahing requirements:

1. Ikaw ay nawalan ng trabaho (temporary o permanent) dahil sa lockdown/quarantine na dulot ng krises sa COVID19.

2. Fill up ng application form na makukuha ninyo sa aming tanggapan o e email namin sa inyo kung hindi kayo makapunta (send us your email acct);

3. Passport/Travel Document;

4. Verified contract at ARC;

5. Proof of loss of job, permanently or temporarily.

Isa submit po ninyo yan sa amin ng personal. Pwede rin email ang submission. Ibigay ninyo ang number at email ninyo sa amin. Pag na assess namin ang documents ninyo at nag qualify kayo, personal na tatanggapin ninyo sa aming opisina ang ayuda o e deposit namin sa account ninyo kung hindi kayo makapunta.

Kung kayo ay nsa pilipinas, ganun din ang requirements, pero sa pinaka malapit na OWWA Regional Office ninyo isa submit ang mga requirements.

Kung hirap kayo kumuha ng Certificate of Termination or proof of loss of job, makipagugnayan kayo sa amin para mapakiusapan ang inyong broker.

Kung nawalan ka din ng income dahil sa lockdown sa Pilipinas or Quarantine sa Taiwan, maari ka mag qualify, pero mag assess muna kami kung qualified ka nga at bka hingian ka namin ng kaukulang certificate of quarantine at proof of NO WORK NO PAY sa employer mo.

For assistance online kindly click the link to redirect to each Facebook pages.


Share:

2 comments:

  1. Panu kming nsa pinas po hindi kami naka pag visa apperance dahil s lockdown my contract n po kami at date ng alis po namin is march 30 pero d kami nakapgprocess kc inabot ng lockdown.mkakahingi po ba kami ng tulong mula sainyo pangalwa balik ko n po sana sana t

    ReplyDelete
  2. Good morning sir/madam, isa po aq ofw nag wowork s ASE chungli nag vacation po aq d2 s pinas inabutan po aq ng lockdown hnd po aq mkabalik ng taiwan ask q lng po pnu po aq mkakakuha nung proof pra po dun requirements ng owwa...nag message po aq s coordinator q hnd p po nag bibigay e...hnd p po nag rereply.

    ReplyDelete

Loading...

Blog Archive