General Information and other helpful jobs

Miaoli County strictly implementing various epidemic measures after a positive of COVID-19 had roamed around the City of Toufen



Update, hinggil sa mga miyembro ng Navy na nagpositibo sa COVID-19. Ngayong araw ng Lunes, Abril 20, naglabas ng ulat ang Mioali County Government Health Bureau kaugnay sa isang miyembro ng Navy na nakipagkita sa kanyang kasintahan sa Miaoli at namasyal pa ito sa mga lugar Toufen at Hsinchu.

Base sa inilabas na ulat nu Miaoli County Governor Xu Yaochang, araw ng Biyernes, Abril 17 ng umikot ang dalawa sa mga lugar sa Toufen, Wuhua Ma Dumpling Store (12:00-13:00), Quanlian Welfare Center at Central Store(18:00-18:10), Simengle-Toufen Store(Female Underwear Store)(18:10-18:20).At pumunta rin sila sa isang pasyalan sa Hsinchu (14:00-16:30).

Agad namang pinakilos ng local government unit ng Miaoli County sa pangunguna ni Magistrate Xu Yaochang at iniutos na mag-dispatch ng team at disinfect ang lahat ng lugar na napuntahan ng dalawa. Sasailalim rin sa quarantine ang apat pa na nakasalumuha ng pasyente may COVID-19.

Base sa inilabas na ulat ng Central Epidemic Command Center ng Taiwan kahapon araw ng Linggo, 21 na mga miyembro ng Taiwan Navy ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa report, ang mga barko na Panshih, Cheng Kung-class guided-missile fridget, Yueh Fei, at Lafayette class fridget "Kang Ding" ay naglayag noong Marso papunta sa Pacific Alley sa Palau para sa isang "Fleet of Friendship" noong March 12-15 at 30 na araw na naglayag pabalik ng Taiwan na kung saan nakitaan ang ilang miyembro ng sintomas ng COVID-19 at base sa isinagawang pagsusuri ay 21 ang nagpositibo.

Matatandaang nauna na rito kahapon na nagpositibo ang 3 miyembro ng Taiwan Navy at sumailalim sa quarantine at pagsusuri ang nasa 700 na miyembro, 21 dito ang nagpositibo ngayong araw ng Linggo.

Sa ngayon ay umakyat na sa 422 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansang Taiwan.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive