General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

New Taipei City holds "21-days Lockdown Simulation" amid of rising COVID-19 cases



Dahil sa tumataas na bilang ng COVID-19 sa New Taipei City isang "21-days Lockdown Simulation" ang isinagawa.

Noong Marso 20 ay gumawa ng "21-days Lockdown simulation" ang New Taipei bilang paghahanda sa pagkalat ng epidemiya.

Sa isinagawang "simulation" ay ipinasara ni New Taipei Mayor Hou You-yi ang mga sport centers, museums, at libraries sa lungsod. Ayon sa Mayor ay planong i-lockdown ang siyudad kung patuloy na tataas ang bilang ng COVID-19 sa lungsod. Ayon sa kanya, kapag nagkaroon ng Lockdown ang mga frontliner medical workers, mga kailangang empleyado ng gobyerno sa gitna ng epidemiya, at mga household na meron lamang "Quarantine Pass” ang pwedeng makalabas ng tahanan.

Pero nilinaw ng Mayor na ang 21 days na lockdown, 14 days dito ay ang "incubation period at 7 days naman ay para sa recovery ng mga nagdadala ng virus. At nilinaw rin niya na ang magdedesisyon sa kanilang isusumiting plano ay ang ahensya ng CECC pa rin at hindi ang lokal na gobyerno.

Naging positibo naman ang ahensya ng CECC sa isinagawang "21-days simulation" ng New Taipei. At dadag pa ng ahensya na malamang ay babalik lamang sa normal ang lahat kapag meron "vaccine" para sa COVID-19.

Sa kasalukuyan ay meron ng 90 na kaso ang New Taipei, 115 sa Taipei City, Taichung 40 at 39 sa Kaohsiung.

Share:

No comments:

Post a comment

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community
Click the picture to join the group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group
Click the image to join JAPAN HIRING GROUP
Loading...

Blog Archive