General Information and other helpful jobs

North Korean Leader Kim Jong-un is in critical condition, U.S. Official says



Isang nakakagulat na balita ang unang inilabas ngayong araw ng Abril 21, ng CNN hinggil sa kalagayan ng Diktador ng North Korea na si Kim Jong-un.

Ayon sa CNN, ang balita ay mula sa inilabas na impormasyon ng US Intelligence Agencies. Ayon sa ulat, ang Leader ng North Korea ay sumailalim sa Heart Surgery ngunit sa kasamaang palad ay hindi nagtagumpay ang operasyon at "Brain-dead."

Ngunit salungat naman ang ang South Korean Intelligence Agencies at hindi sila kumbinsido sa kumakalat na balita. At ayon sa kanila ay wala naman nakikitang kakaiba sa mga kilos sa North Korea lalo na ang kanilang Continental Liberation Army sa mga border.

"The U.S. officials told me that the US monitoring intelligence units said that Kim Jong-un's health is very critical, which happened after a recent operation." ayon sa CNN Reporter.

Ang mga espekulasyon na hindi pagdalo ni Kim Jong-un gaya sa napaka-importanteng holiday sa North Korea, Kaarawan ng kanyang Lolo na si Kim II Sung ay nangangahulugan daw nasa matinding karamdaman ang leader.

Pinabulaanan naman ni South Korea President Moon Jae-in ang balita, aniya ay nag-iikot ikot lamang  ito sa mga probinsya kasama ang kanyang mga gwardiya.

“Currently touring provincial areas with his close aides, no evidence to support the speculation about his ill health” ayon sa kay South Korean President Jae-in.

Ayon naman kay Cheong Seong-Chang isang analysts sa South Korea, na kung mangyari man ang hindi inaasahan ay malamang daw ang babaeng kapatid ni Kim Jong-un na si Kim Yo-Jong na ang mangangasiwa sa kanilang pamahalaan.

Source: TVBS

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive