General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Philippines recorded 8 new deaths of COVID-19, total confirmed cases climbed to 3,246



Araw ng Linggo, Abril 5, 2020. Nadagdagan ng walo ang nasawi sa COVID-19 ngayong araw ayon sa DOH at nagtala naman ng 152 na bagong kaso ng COVID-19 ang bansa.

Ayon sa DOH sa kasalukuyan ay umabot na sa 19,585 na indibidwal ang sumailalim sa pagsusuri kasama na dito ang mga magpositibo. Ayon kay Health Undersecretary Rosette Vergeire.

"Tayo po ay nakapag-test na ng 19,585 individuals. Kasama po sa bilang na ito ang mga test na ginagawa sa ating mga pasyenteng COVI-19 positive. Sila po ay paulit-ulit na tine-test upang ma-monitor po ang progreso ng kanilang kalusugan." ayon kay Vergeire.

Ayon sa kay Usec. Vergeire 83 porsyento na sumailalim sa pagsusuri ay naging negatibo ang resulta.

Sa ngayon, nagtala ng 152 na bagong bilang ng COVID-19 sa bansa at nasa 3,246 na ang kabuuang bilang ng nahawaan sa bansa. At nasa 64 na bilang ng gumaling sa sakit.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive