General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Province of Rizal will implement "Lockdown" starting April 6, due to increasing case of COVID-19


Simula sa April 6, 2020 araw ng Lunes ay sasailalim sa "Lockdown" ang probinsya ng Rizal ito'y inihayag ng Acting Governor Reynaldo San Juan Jr. dahil sa tumataas na bilang ng COVID-19 sa probinsya.

Ayon sa inilabas na post mula sa Facebook Page ng Lalawigan ng Rizal. Araw ng Lunes, ganap na 8:00 am ay sasailalim na sa "Lockdown" ang buong probinsya. At magtatagal ito hanggan sa alisin mismo ng Gobernador.


Lockdown sa Lalawigan ng Rizal

Sa bisa ng Executive Order No. 14, series of 2020 na pinirmahan ni Acting Rizal Governor Reynaldo San Juan, Jr. isinasailalim at ipinapatupad na ang “lockdown sa buong lalawigan” simula 8:00 ng umaga ng April 6, 2020.

Ito ay upang mas maproteksyunan ang buong lalawigan mula sa pagpasok ng mga possibleng carriers ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ayon sa pinakahuling opisyal na bilang ng DOH nitong April 4, 2020 ng 4:00 ng hapon, umabot na sa 3,094 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 144 dito ay namatay na.

Sa ilalim ng lockdown, hindi na maaaring makapasok ang mga hindi residente ng lalawigan maliban na lamang sa mga itinakdang exemptions ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) tulad ng mga public and private health workers, emergency frontliners, mga government workers, diplomats, media personnel, religious ministers gayundin ang mga empleyado na bahagi ng skeletal workforce ng iba’t ibang mga businesses na may kaugnayan sa basic services at commodities pati na rin BPO at hotel industry.

Samantala, malaya pa ring makakapasok ang mga cargo trucks at mga sasakyan na nagdadala ng mga food commodities at farm inputs sa mga designated food lanes.

Magkakaroon din ng express lane para sa mga donasyon para sa mga frontliners at ospital na manggagaling sa iba’t ibang mga sponsors, gayundin ang mga nangangailangan ng atensyon medikal.

Suspendido pa rin ang anumang uri ng public transportation kaya hinihikayat ang mga lokal na pamahalaan na ipagpatuloy ang nailaang mga sasakyan para sa mga frontliners at health workers.

Mahigpit na panawagan sa mga residente ng lalawigan na manatili sa kanilang mga bahay dahil patuloy pa rin iiral ang 24-curfew na dati nang itinakda ng DILG maliban na lang sa mga otorisadong miyembro ng pamilya na kailangan bumili ng pagkain at iba pang essential commodities.

Tuloy-tuloy din ang pamimigay ng ayuda ng iba't ibang lokal na pamahalaan sa ating mga mamamayan.


Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive