General Information and other helpful jobs

Taipei fire incident leaves 5 dead and several were severely injured



Update hinggil sa naganap na sunog dakong alas 10:57 ng umaga sa kahabaan ng Lingsen sa Zhongshan District ng Taipei.

Base sa report ng local Media na TVBS ay umabot na sa lima (5) ang nasawi, dalawa(2) ang nasa kritikal na kondisyon at pito(7) ang wala pa ring malay matapos isugod sila sa ospital. At nasa 52 naman ang lubhang nasugatan ayon sa pamunuan ng mga ospital Mackai, Cathay, at National Taiwan University Hospital.

Ayon sa paunang imbestigasyon sa nangyaring sunog sa ika-limang palapag ng 14-storey na gusali ay hindi daw gumana ang fire alarm ng gusali na naging sanhi ng maraming na-trap sa itaas. At ang mga fire exit ay hindi mabuksan. At ayon rin sa inisyal na imbestigasyon ay nagsimula ang sunog sa isang KTV ng gusali.

Umabot naman sa 56 na fire trucks ang nagtulong-tulong sa pag-apula ng apoy at pagsagip sa mga na-trap sa itaas ng gusali. Nasa 23 namang ambulansya ang ipinadala ng ahensya at aabot sa 200 na personnel ng mula fire bureau ang rumesponde.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive