General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Taiwan eyed Installing "Earthquake and Tsunami Observatory System" in Manila Trench



Ito na kaya ang pinaghahandaan at pagmumulan ng "The Big One?"

Dahil sa isa ang Pilipinas at Taiwan sa madalas makaranas ng lindol at nasa pagitan rin ng dalawang bansa ang tinawag na "Manila Trench." kung saan nangyayari daw ang pinakamalakas na lindol tuwing ika- 200 taon na umaabot hanggang magnitude 8, at magnitude 8.5 at 9 ay maaring mangyari tuwing ika-350 at 750 taon. Ang haba Manila Trench ay mula sa South Taiwan pababa sa Probinsya ng Mindoro. Ayon kay Chen Kuo-chang, Direktor ng CWB's Seismology Center ng Taiwan.

Kaya gumawa ng hakbang ang Taiwan upang makipag-partner sa Pilipinas hinggil sa planong maglagay ng "800 kilometer underwater cable" at anim na "underwater observation." At kapag naaprubahan ang plano ay sisimulan ito sa 2021 hanggang 2024 na ang gastos ay aabot sa humigit kumulang NT$2.6 bilyon.

Kung masisimulan ang proyekto ay magmumula ito sa Fangshan Township sa Pingtung County sa South Taiwan patungong Centeral Luzon. Kung sakaling matuloy ito ang kauna-unahang "Shared Earthquake and Tsunami Observatory System " sa pagitan ng dalawang bansa.

Sa kasalukuyan ang proyekto ay sasailalim pa sa mga pag-aaral ng National Development Council ng Taiwan. At nagbigay naman daw suporta ang Pilipinas hinggil sa proyekto pero nasa Teknikal na lebel palang ayon sa ahensya.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive