General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Taiwan recorded 22 new cases of COVID-19, 21 are members of Navy


Image for representation only

Ngayong araw ng Linggo, Abril 19, Bansang Taiwan nagtala ng 22 na bagong kaso ng COVID-19 ayon sa CECC Taiwan.

Base sa inilabas na ulat ng Central Epidemic Command Center ng Taiwan ngayong araw ng Linggo, 21 na mga miyembro ng Taiwan Navy ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa report, ang mga barko na Panshih, Cheng Kung-class guided-missile fridget, Yueh Fei, at Lafayette class fridget "Kang Ding" ay naglayag noong Marso papunta sa Pacific Alley sa Palau para sa isang "Fleet of Friendship" noong March 12-15 at 30 na araw na naglayag pabalik ng Taiwan na kung saan nakitaan ang ilang miyembro ng sintomas ng COVID-19 at base sa isinagawang pagsusuri ay 21 ang nagpositibo.

Matatandaang nauna na rito kahapon na nagpositibo ang 3 miyembro ng Taiwan Navy at sumailalim sa quarantine at pagsusuri ang nasa 700 na miyembro, 21 dito ang nagpositibo ngayong araw ng Linggo.

Sa ngayon ay umakyat na sa 420 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansang Taiwan.


Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive