Magandang Balita ngayong araw ng Lunes , Abril 27. Hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng COVID-19 sa bansang Taiwan. Wala ulit naitalang kaso ng COVID-19 ayon sa CECC Taiwan.
Nanatiling nasa 429 pa rin ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa at ayon kay CECC head Chen Shih-chung (陳時中) inaasahang sa Hunyo ay matatapos na ang pandemic COVID-19 sa Taiwan.
Kahapon araw ng Linggo ay nakamit muli ng Taiwan Zero Case COVID-19.
Matatandaang apat na araw na magkasunod na isang kaso lang ng COVID-19 ang naitatala sa bansa at lahat ay mula sa hanay ng Navy sa "Goodwill Fleet" na naglayag mula sa Palau Island.
Noong nakaraang linggo ay apat na beses rin sunod-sunod na walang naitalang kaso sa bansa.
No comments:
Post a comment