General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Taiwan’s effort to combat COVID-19 is being praised globally



Sa pagtatapos ng Qingming Festival ngayong araw sa Taiwan ay nagsagawa ng disinfection ang Environment Protection Administration sa mga malalaking pasyalan sa buong Taiwan.

Sa kabila ng banta ng COVID-19 dumagsa ang mga tao sa mga malalaking pasyalan sa mga nakaraang apat na araw na "Tomb Sweeping Festival"

Pinuri ng International Community ang paghawak ng pandemic COVID-19 sa kanilang bansa. Sa kabila ng hindi pagtulong ng World Health Organization sa kanilang bansa ay naging matagumpay ang paghawak ng kaso ng kanilang awtoridad.

Simula noong Enero bago pa man magsimula ang Chinese New Year ay nagpadala ng mensahe ang Health Department ng Taiwan sa WHO hinggil sa banta ng local transmission ng sakit, ngunit hindi ito pinansin dahil hindi kasapi ang bansang Taiwan. Maraming beses ng umapela na isali ang Taiwan kahit observer status lang ngunit naging bingi ang liderato ng WHO.

Ang populasyon ng Taiwan ay tinatayang 24 milyon halos kaparehas ng bansang Australia ngunit kung titingnan ang estado ng pagharap ng bansang Taiwan sa COVID-19 ay di hamak na naging maganda ang paghawak nito. Sa kasalukuyan ay mayroong mayroon lamang 363 na kaso ng COVID-19 ang Taiwan samantala ang Australia ay nasa mahigit 5,000.

Naging maagap ang Taiwan sa pagharap sa sakit dahil sa naging karanasan nila ng lubhang tamaan ng sakit na SARS noong 2003. Naging matagumpay ang bansa sa pagpapatupad ng mga regulasyon hinggil sa pagsugpo ng Wuhan coronavirus. Pagmumulta ng matataas na parusa sa mga lalabag sa Home quarantine at hindi pagsuot ng Face maks sa mga pampublikong sasakyan.

Naging maaga ang pag-agap ng bansang Taiwan sa paglaban sa COVID-19. Paghigpit sa kanilang mga boarders ang unang naging hakbang kaya napigilan ang paglaganap ng sakit.

Ang bansang Taiwan ang numero uno sa buong mundo pagdating sa Health System. At sa kabila ng banta ng pandemic COVID-19 ay hindi nagpatupad ng Lockdown at dahil sa kooperasyon ng mamamayan ay masasabing isa sila sa mga bansang naging matagumpay sa pagsugpo ng COVID-19.

Share:

No comments:

Post a comment

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community
Click the picture to join the group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group
Click the image to join JAPAN HIRING GROUP
Loading...

Blog Archive