General Information and other helpful jobs

Three more trainees from Taiwan "Goodwill Fleet" tested positive of COVID-19



Update hinggil sa bilang ng COVID-19 sa bansang Taiwan. Ngayong araw ng Martes, Abril 21, base sa inilabas na ulat ng CDC Taiwan. Nadagdagan ng tatlo ang bilang ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa CECC Taiwan, ang tatlong pasyente ay pawang mga trainee ng Navy na naglayag mula Palau. Dalawang lalaki at isang babae ang nadagdag sa listahan. Base sa inilabas na ulat, sa unang pagsusuri ay nag negatibo ng tatlo ngunit makaraan ang ilang araw ay nakaramdam ang mga ito ng sintomas kaya't sinuri ulit at lumabas ang resulta na positibo sila sa COVID-19.

Sa ngayon ay nasa 27 na ang kabuuang bilang ng nahawaan sa hanay ng Navy. At umakyat sa kabuuang bilang na 427 ang may COVID-19 sa bansa.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive