General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Three Taiwanese selling "Fake Philippine Passport" were indicted by Taipei's Prosecutors Office



Taipei, Taiwan (Abril 29, 2020)- Tatlong Immigration Consultant sa Taiwan kinasuhan ngayong Miyerkules ng Taipei Prosecutor dahil sa pagbebenta ng mga penekeng pasaporte ng Pilipinas.

Kinasuhan na si Wang Chuan-hung (王權宏), may-ari ng Chau Morn Consultants Co. at dalawang iba pa dahil sa pagbebenta ng pekeng pasaporte ng Pilipinas sa Taiwan. Ang pasaporte ay gagamitin sana sa pag-enroll ng kanilang mga anak sa isang pribadong paaralan na Asia American International Academy. Ayon sa Taipei Prosecutors' Office.

Base sa imbestigasyon, ang mga pasaporte ay pineke sa tulong ng mga kapwa Taiwanes na expatriates sa Pilipinas. At base rin sa kanilang examination ang pasaporte ay halos hindi mapapansin ang pagkakaiba mula sa orihinal at kahit itapat sa Ultraviolet rays ay hirap matukoy.

Samantala naibebenta naman nila ang pasaporte sa halagang NT$120,000 (US$4,000) and NT$200,000 bawat piraso sa kapwa Taiwanes.

Matatandaang, Mayo 2019 ng i-raid ang opisina at bahay ng tatlong salarin at doon tumambad ang mga pekeng pasaporte ng Pilipinas. At agad naman nagkaroon ng pansamantalang kalayaan si Wang matapos magpiyansa ng NT$1 million, at multa pinagmulta naman ng NT$150,000 ang dalawang kasabwat ni Wang na may kasamang isang taong probisyon .

Nasa 21 namang indibidwal na bumili ng pekeng pasaporte ang pinagmulta sa halagang NT$120,000-NT$200,000 na may kasamang probisyon. Ang mga naging kasabwat namang Taiwanes sa Pilipinas ay padadalhan ng warrant of arrest ayon sa Taipei's Prosecutors Office.



Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive