General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

TW WEATHER UPDATE: Cold front to bring 10 degrees Celsius on weekend



Ulat panahon, naglabas ng Central Weather Bureau ng Taiwan hinggil sa paparating na "continental cold air mass" simula ngayong araw ng Sabado, Abril 11, Inaasahan na baba haggang 10 degrees Celsius ang temperatura lalo na sa Hilagang bahagi ng bansa.

Ayon sa CWB Forecast, Isang maulan at malamig na panahon ng mararamdaman simula ngayong Sabado ng hapon hanggang Lunes at inaasahang baba ang temperatura haggang 10 degrees Celsius. Asahan ang maulan na panahon na may kasamang pagkidlat sa hilaga, Sentral, Kanlurang bahagi ng bansa. At panakanakang pag-ulan sa Timog na bahagi ng bansa. At umaga ng Linggo ay inaasahang huhupa na ang ulan sa Timog na bahagi at gabi naman sa Sentral at Hilagang bahagi ng bansa.

Linggo ng umaga ang temperatura ay maglalaro sa 14-18 degrees sa Hilaga, 20-23 naman sa Sentral Taiwan at 24-26 naman sa Timog na bahagi ng bansa. Ayon sa CWB

Sa Linggo naman ng gabi hanggang Lunes ng umaga asahan ang pinakamalamig na temperatura na baba hanggang 10 degrees sa mga lugar ng Keelung, Taipei, New Taipei, Taoyuan at Hsinchu cities, kasama ang Hsinchu County,

Sa Sentral Taiwan, Yilan County at Hualien City asahan ang 12-14 degrees at sa Timog na bahagi naman ay asahan ang 15-16 degrees kasama na dito ang Taitung.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive