General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Vico Sotto to give P 1 billion cash aid to Pasig residents amid covid-19



Manila-Meyerkules (April 15, 2020)Sa isang pahayag ni Mayor Vico Sotto nitong Meyerules,sinabi niya na ang Pasig City ay maglalaan ng P 1 billion na pundo, para matulungan ang lahat ng mga taga Pasig na makabangon sa kanilang mga pamumuhay dahil sa kresis na dulot ng covid-19 at kasabay ng pagdeklara ng lockdown sa buong Luzon.
Ang national government ay meron ding ipinaabot na cash aid sa halagang 93,000 sa mga pinakamahirap na mga pamilya sa Pasig.
Ang city government naman ay pansamantalang nag-antala ng ilang mga proyekto para makapagbigay ng tig 8,000 per household at para sa 150,000 na iba pang mga pamilya na nangangailangan ng ayuda ani Sotto.
Sa isang pahayag na binigay ni Sotto sa DZMM sinabi niya na hindi kailangang botante,basta residente ng Pasig ay bibigyan.Dagdag pa ni Sotto na kinukulang din umano ang local government ng oras na matukoy kung sino sino talaga ang mga pamilyang dapat mabigyan ng tulong.Kaya hinikayat ni Sotto ang ibang mga pamilyang nakakaluwag luwag naman sa buhay, na huwag ng tanggapin ang anumang ayuda bagkos ibigay nalang sa ibang mas nangangailangan.
Bukod sa cash,ang city government ay namigay narin ng 400,000 na mga relief packs sa mga residente, at food coupons naman para sa mga estudyante sa mga pampublikong eskwelahan.
Ang Metro Manila at ang buong Luzon na tinatayang nasa kalahati ng buong Pilipinas ay nasa ilalim ng lockdown hanggang April 30.

Source: Abs-Cbn News
Share:

No comments:

Post a comment

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community
Click the picture to join the group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group
Click the image to join JAPAN HIRING GROUP
Loading...

Blog Archive