General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

WHO defended China over the allegations of US in COVID-19 issue



Gobyerno ng Estados Unidos pina-iimbestigahan kung sa isang laboratoryo sa Wuhan China nga ba nagmula ang virus na COVID-19. At kung ito ay isang "man made."

Agad namang dumipensa ang kampo ng WHO. Base sa mga ebidensya ay hindi daw "man made" ang virus na COVID-19 bagkus ay galing sa hayop.

"All available evidence suggests the virus has an animal origin and is not manipulated or constructed in a lab or somewhere else," ayon sa WHO spokeswoman Fadela Chaib sa Geneva news briefing . "It is probable, likely, that the virus is of animal origin."

Hindi daw malinaw kung paano nalipat sa tao pero mayroon kasiguruhan na ang nagdala ng virus ay isang hayop.

"It most likely has its ecological reservoir in bats but how the virus came from bats to humans is still to be seen and discovered." ayon sa spokeswoman.

Matatandaang binantaan ni President Donald Trump na ipapatigil ang pagbibigay ayuda sa WHO dahil naging pabaya daw ito sa kanilang tungkulin upang sugpuin ang nakamamatay na sakit.

Nang hingan ng reaksyon hinggil sa pagpapatigil ng pagbibigay ayuda ng Estados Unidos sa organisasyon,
"It is very important to continue what we are doing not only for COVID but for many, many, many, many other health programs," dagdag pa niya na meron pang ibang sakit na tintutukan gaya ng polio, HIV at malaria, at iba pang mga sakit.

Ang Estados Unidos ay isa sa pinakamalaking magbigay ng ayuda sa organisasyon kaya naman nangangamba sila sa magiging epekto sa naging desisyon ni President Donald Trump.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive