General Information and other helpful jobs

A group of Taiwanese scientists was able to discover an antibody which capable to inhibit the COVID-19



Isang grupo ng scientists sa Taiwan Chang Gung University (CGU) ang nakatuklas ng "monoclonal antibody" (mAb) na kayang labanan ang COVID-19 ng lagpas pa sa 90 porsyento.

Abril palang ng magsimula na ang mga grupo ng mananaliksik mula sa CGU, Academia Sinica, the National Defense Medical Center, at Oxford University. Pinag-aralan ng grupo ang nasa "25 strain" ng mAb, na mula sa tatlong pasyenteng may COVID-19 at naging matagumpay silang matukoy ang nagiisang "antibody" na may kakayahang harangin ang sakit sa pagpasok sa loob ng katawan ng tao na nagbibigay naman daan para sa medikasyon.


Kinumpirma naman ni Shih Shin-ru (施信如), director ng CGU Research Center for Emerging Viral Infections ngayong Huwebes, Mayo 28, na ang natuklasan na "antibody" ay may kakayahang harangin ang pagpasok ng "virus" hanggang 90-98 na porsyento.


Ayon naman kay Shih na mas epektibo ang "antibody" kaysa gamot na mula sa mga pharmaceuticals dahil nagdudulot ito ng mga side effect. Samantala ang "antibody" ay safe gamitin dahil ito ay kemikal mula mismo sa ating katawan kaya walang masamang epekto dulot sa atin.

"Unlike pharmaceuticals, which can be toxic and produce side effects, antibodies are made from substances that naturally occur in the human body. Therefore, they are not only safe, but also highly specialized, enabling them to identify specific viruses and inhibit or eliminate them and will not affect normal healthy cells in the process, while reducing the occurrence of side effects." pahayag ni Shih.

Dagdag pa ng direktor na ngayong Hunyo nakatakdang ilipat sa mga pribadong sektor ang bagong tuklas na "antibody" o mAb, para sa karagdagang pagsusuri at pag-aaral. At kung magtuloy-tuloy ang tuklas na ito ay inaasahang lalabas na ito sa merkado bago matapos ang taon.


Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive