General Information and other helpful jobs

BREAKING: Metro Manila, Laguna and Cebu City are placed under a modified enhanced community quarantine due to high numbers of COVID-19


Breaking news, sa pagtatapos ng Enhanced Community Quarantine sa bansa sa Mayo 15, inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa daily presscon ng Malacanang ngayong tanghali, Mayo 12, 2020. Na ang mga lugar ng Metro Manila kasama na ang Pateros, Laguna, at Cebu City ay ilalagay sa "modified enhanced community quarantine" (MECQ) mula Mayo 16 hanggang Mayo 31, 2020 dahil sa mataas pa ring bilang ng COVID-19.

Sa Modified Enhanced Community Quarantine ay limitado pa rin ang galaw ng mamayan sa bawat lugar. At ipapatupad rin ang paglimita ng mga trabahante hanggang 50 porsyentong mangagawa lamang ang pwedeng magtrabaho sa mga piling mag-operate na kumpanya. At magiging limitado pa rin ang paggalaw ng mga pangunahing pangangailangan at serbisyo. At sa ilalim ng MECQ ay bawal pa rin pumasok ang mga estudyante sa paaralan.

 Samantala ang mga Region2,3,4A (hindi kasama ang Laguna), CAR, Region 7 (hindi kasama ang Cebu City), Region 9, 11, 13 (CARAGA) ay sasailalim sa General Community Quarantine(GCQ) simula Mayo 16.

Sa ilalim ng General Community Quarantine, limitado pa rin ang galaw ng serbisyo at trabaho. Ang operasyon ng mga Government at mga pribadong kumpanya ay papayagang magbukas ngunit dapat ay nasa 75 porsyento lamang  ang bilang ng tabahante. At limitado pa rin ang tansportasyon sa ilalim ng GCQ. At pinapayagan na rin magkaroon ng klase ang paaralan pero limitado pa rin ang bilang upang mapanatili ang social distancing.

Samantala ang mga rehiyon ng 1,4-B,5,6,8,10,12, at BARMM na may mababang bilang ng COVID-19 ay maaring sundin pa rin ang ECQ o GCQ.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive