General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

BREAKING: Taiwan is lauded around the world after it marked the 30th day with zero local cases of COVID-19



Kapapasok lang na balita, bansang Taiwan nakuha na ang 30 araw na walang naitatalang lokal na kaso ng COVID-19. Base sa daily presscon ng CECC Taiwan ngayong alas 2 ng hapon, Martes, Mayo 12, 2020 ay walang muling naitalang kaso ng COVID-19.

Simula ng Marso kung saan nagkaroon ng unang kaso ng COVID`19 ang bansa ay agad kumilos ang pamahalaan ng Taiwan upang sugpuin ang paglaganap ng sakit. Agad itinalaga si Health Minister and Welfare Chen Shizhong bilang Head ng Central Epidemic Epidemic Command Center upang pamunuan ang laban kontra COVID-19.

Matatandaang puspusan ang kanilang paghahanda laban sa COVID-19. Pagsasara ng kanilang paliparan at daungan mula sa China, Hong Kong at Macau. At kalaunan ay kinansela rin ang pagpapasok na dayuhan sa bansa. 

Naging mahigpit rin ang bansa lalo na sa pagsusuot ng Face masks, matatandaang agad pinulong ni President Tsai Ing-wen ang kanyang gabinete upang pag-aralan at bigyan mandato ang mga awtoridad na maging mahigpit sa paglalabas ng face masks sa bansa. Kung maalala'y sa mga paliparan ay maraming nakumpiskang face masks. Ipinag-utos rin ng pangulo at naglabas ng pundo ang pamahalaan upang makapag-produce ng milyon-milyong face mask bawat araw.

Maraming batas ang ipinatupad lalo na ang malalaking multa sa mga violators kung saan ang pinkamalaki ay aabot ng NT$1 milyon. Paghihigpit sa mga transportasyon at matataong lugar ay mahigpit na ipinatupad ng gobyerno. At mahigpit na binabantayan ang pagkalat ng "fake news" hinggil sa COVID-19.

Ang nakakamanhang aksyon ng mga awtoridad sa mabilis at 'accurate' na "contract tracing" sa bawat nakakasalamuhang ng may COVID-19. Ang "quarantine system" ng Taiwan na kung saan ay may kakayang i-locate ang kasalukuyang lugar ng pasyente kapag ito'y tumakas at pagpataw sa multa na aabot sa NT$1 milyon.

Masasabing naging matagumpay ang bansang Taiwan sa pagsugpo ng COVID-19 kahit na walang tulong mula sa World Health Organization (WHO), ayon sa mga experto ay natuto na ang bansang Taiwan sa nangyaring outbreak ng SARS kung saan lubhang naapektuhan ang bansa.

Sa kabila ng pandemic COVID-19 nanatiling malayang nakakalabas, nakakagala ang mga tao sa bansa. Walang "Lockdown" o "Community Quarantine" ang bansang Taiwan pero napanatili nilang mababa ang bilang ng COVID-19 sa bansa. Bukod sa hindi matatawarang dedikasyon ng mga Health workers sa pangunguna ni Health Minister and Welfare Chen Shizhong ay hindi rin matutumbasan ang disiplinang ipinakita ng mamayan ng Taiwan kasama na dito ang dayuhang manggawa sa pagsunod sa batas ng Taiwan.

Matantandaang umani ng mga papuri ang bansang Taiwan sa International Community dahil sa matagumpay na pagsugpo laban sa COVID-19. 

Disiplina lang po at walang reklamo kaya mabilis na nakabalik sa normal ang bansang Taiwan.






Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive