General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

GOOD NEWS: Taiwan will resume to normal situation on June 7 according to CECC


Taipei (Mayo 26, 2020)-Magandang balita, ngayong araw ng Martes ay inihayag na ng CECC ang pagtanggal ng malawakang restrictions kaugnay sa COVID-19. Dahil umano'y kontrolado na ng bansang ang sitwasyon.

Ayon kay CECC Head at Health and Welfare Minister Chen Shizhong ay nagkaroon na nagpaguusap kaninang umaga, Mayo 26, hinggil sa napipintong pagbabalik normal ng bansa. Tatanggalin na ang mga restrictions na ipinapatupad ng gobyerno. Ayon kay Chen ay nagpulong na ang Executive Yuan at ang kanilang ahensya hinggil sa nalalapit na pagtanggal ng mga restrictions. Tinalakay nila ang "strict border risk management and domestic loosening."


Ayon kay Chen, kung maabot ng bansa na walang maitatalang kaso ng COVID-19 hanggang Hunyo 7 ay inaasahan babalik na sa normal ang lahat. Ngunit ayon sa ahensya ay kailangan pa rin sundin ang social distancing at pagsusuot ng face masks.

Inaasahan ng ahensya na susunod pa rin ang publiko para sa kaligtasang pang kalusugan kahit sa kabila ng pagluwag ng mga restrictions sa bansa. At inaasahang rin niya sa mga awtoridad at lokal na gobyerno ang ipapatupad sa mga nasabing regulasyon.

Ngayong araw ay walang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa at nanatili pa rin sa 441 ang kabuuang kaso at nasa 17 nalang na pasyente ang mga nasa ospital ang iba ay nakauwi na sa kani-kanilang pamilya.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive