General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

IATF approved the recommendation of DOST to join Taiwan's clinical trial test for COVID-19



Ang Department of Science and Technology (DOST) ng Pilipinas ay nagsumite ng rekomendasyon sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na isali ang bansa sa isinasagawang clinical trial test para sa COVID-19.

Mga makakasama ng Pilipinas sa gagawing clinical trial test ay ang Taiwan's Adimmune Corporation at Taiwan's Academia Sinica. Kasama rin ang Guangzhou Institute of Biomedicine sa ilalim ng Chinese Academy of Science at China National Pharmaceutical Group ng Wuhan at Beijing Institute of Biological products.

Sabado, Mayo 23, ay pormal ng inaprubahan ng IATF ang rekomendasyon ng DOST na makiisa ang bansa sa gagawing clinical test. At magtatalaga ang DOST ng Technical Working Group na siyang makikipag-coordinate sa DOH, FDA, RITM at WHO hinggil sa nangyayaring clinical test.



Gayun pa man ang mga kumpanya at institusyon na gagawa ng clinical trial test ay susunod pa rin sa panuntunan ng WHO at FDA ng Pilipinas.

Inatasan na rin ng IATF ang FDA na tulungang mabigyan ng permiso ang gagawing clinical trial test sa bansa.

Samantala plano naman buksan muli ng DOST ang Pharmaceutical Development Unit at DOST-Industrial Technology Development Institute at papalitan ng pangalan na Tuklas Center for Pharmaceutical Development. At plano rin ng ahensya na magtayo ng Virology Science and Technology Institute sa New Clark City.




Share:

No comments:

Post a comment

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community
Click the picture to join the group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group
Click the image to join JAPAN HIRING GROUP
Loading...

Blog Archive