General Information and other helpful jobs

"Taiwan is just a few steps away from a return to normalcy", Premier Su Tseng-chang



Taipei (Mayo 11, 2020)- Magandang balita, sa bansang Taiwan inihayag ni Premier Su Tseng-chang na babalik na sa normal ang lahat matapos makapagtala ng 28 na araw na walang naitatalang lokal ng kaso ng COVID-19.

Ang kay Premier Su, ilang hakbang nalang mula ngayon ay babalik na sa normal ang lahat ngunit dapat sundin pa rin ang mga alituntunin na binigay ng Central Epidemic Command Center's (CECC).

Base sa inihayag ni Premier Su sa kanyang Facebook account, nagkausap sila ni President Tsai Ing-wen para sa darating na pagbabalik normal ng bansa, pagluwag ng ibang restrictions, at ang pagbangon muli ng ekonomiya lalo na sa mga sektor na lubhang naapektuhan dahil sa pandemic COVID-19.

Sa isinagawang "daily press conference" ng CECC kahapon, Mayo 10, ay sinabi ni CECC Advisory Specialist Panel Convener Chang Shan-chwen na nalapagpasan na ng Taiwan ang "14 days Incubation period."

Samantala, sa pagbabalik normal ng bansa ay inihayag naman ni Health Minister at CECC Head Chen Shih-chung na mahalaga pa rin sundin ang "social distancing" at ang restaurant ay dapat magkaroon ng "safe dining". At crowd control naman sa mga pasyalan sa bansa maging sa mga hotel.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive