General Information and other helpful jobs

LOOK: 18 patients left in hospitals as Taiwan has fully control the pandemic COVID-19



Ngayong araw ng Lunes, Mayo 25 2020. Base sa inihayag sa Presscon ng CECC Taiwan ay walang naitalang kaso ng COVID-19 ngayong araw.

Huwebes ng huling magtala ng isang kaso ang bansa, kung saan ang bagong pasyente ay nagtrabaho mula sa bansang Mexico. Pero sa kabila ng pagdadag ng imported case ay nanatili pa rin sa 55 na lokal ng kaso ng COVID-19 sa bansa. At ngayong araw ang ika-43 araw na walang naitatalang lokal na kaso ng COVID-19.

At ang magandang balita, ngayong araw ay nasa 415 ang kabuuang bilang na ang mga gumaling. At 18 nalang na mga pasyente ang nanatili ngayon sa mga ospital ayon sa CECC.

Sa ngayon ay nanatili pa rin sa 441 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa at 350 dito ay mga nahawaan sa labas ng bansa, at 55 naman ang local transmission. At pito naman ang binawian ng buhay.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive