General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

LOOK: Taiwan was able to developed a 10 minutes COVID-19 testing kit



Isang kumpanya sa Taiwan nakagawa ng COVI-19 Testing Kit na kayang maglabas ng resulta sa loob lamang ng 10 minuto. Ito'y ayon kay Cooky Chen (陳作範), chairman ng Excelsior Bio-System, Inc. (EBS).

Base sa kanilang isinagawang presscon kahapon, Mayo 7, ay inihayag ni Chen na ang makabagong test kit ay kayang maka-detect ng antibodies para sa SARS-CoV-2, ang virus na nagiging sanhi ng COVID-19. Ayon pa kay Chen na base sa isinagawa nilang pagsusuri sa 13 pasyente na may COVID-19 sa National Taiwan University Hospital (NTUH) lumalabas na nasa 10 minuto lamang ang tagal ng paghihintay at lalabas agad ang resulta na parang pregnancy test lang, kapag dalawang linya ang lumabas ibig sabihin positibo sa COVID-19, paglalarawan pa niya.

Sa ngayon ang nasabing proyekto ay isinumite na sa Health Ministry ng Taiwan at kung maaprubahan ay inaasahang nasa 300,000-400,000 kada araw ang maaring magawa ng kanilang kumpanya.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive