General Information and other helpful jobs

LTO has implemented the "Double Plaka Law" despite of controversy



Sa gitna ng pandemic COVID-19 ay ipapatupad na ng Pilipinas ang "Double Plaka Law." Kung saan kailangan ng lagyan plaka ang harap at likod ng motorsiklo.

Mahigit isang taon matapos suspendihin ng LTO ang papatupad ng Motorcycle Crime Prevention Law para idaan muli sa rebisyon dahil sa natanggap nankaliwat-kanang batikos.
Pero noong nakaraang linggo ay muling inanunsyo ng Land Transportation Office na ipapatupad na muli ang revised set of implementing rules and regulations for Republic Act 11235 o mas kilala sa Motorcycle Crime Prevention Law.

Sa nilagdaan dokumento ni LTO chief Edgar Galvante ay kailangan ang plaka ay kayang basahin sa layong 15 metro at ipapatupad rin ng ahensya ang Color Scheme sa bawat rehiyon.

Anu-ano ang mga nakapaloob dito?

1. Ang mga riders ay obligadong gumamit ng decal number plates measuring 135 mm by 85 mm sa harapan ng motorsiklo.

2. Sukat ng plaka sa likod ay dapat may sukat na 235 mm by 135 mm, mas malaki kaysa kasalukuyang plaka.

3. Mga motorsiklo na hindi mabasa ang License Plate o walang plaka ay pagbabayarin ang may-ari sa halagang P50,000 to P100,000 at ma-impound pa ang motorsiklo.

4. Mga bagong bili na motorsiklo ay kailangang iparehistro sa loob ng limang araw pagkatapos mabili kung hindi ay pagmumultahin ang may-ari ng P20,000 to P50,000 at may kaakibat pang kulong.

5. Papatawan rin ng parusa ang mga may-ari na hindi mag-report sa nawala o ninakaw na plaka sa loob ng 24 oras. Ang multa ay naglalaro sa P20,000 hanggang P50,000.

6. Ang mga motor na mahuhuling may tamper ang plaka ay pagmumultahin ng P50,000 hanggang P100,000. kaparehong multa sa mga may-ari na aminadong gumamit ng nakaw na plaka.

7. Hindi rin papayagang magbenta ng motorsiklo ang isang indibidwal o kumpanya kapag hindi ito nakasunod sa bagong probisyon.

Ang batas na ito ay nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Marso 2019 na panukala naman ni Senador Richard Gordon.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive