Home »
News
» MOFA has extended another 30 days visa for foreign visitors and continues its program for overstayed migrant workers
MOFA has extended another 30 days visa for foreign visitors and continues its program for overstayed migrant workers
Dahil sa pandemic COVID-19 marami pa rin mga dayuhan ang nanatili sa bansang Taiwan. Matatandaang noog Marso 21 ay naglabas ang Ministry of Foreign Affars ng 30 days extension sa kanilang bisa.
Noong Abril 17, 2020 ay muling nasundan ang 30 days extension ng mga dayuhang may hawak na visitor visa, landing visa, at visa-waiver program dahil sa pinapairal na programa ng gobyerno laban sa COVID-19.
Sa pagtatapos kahapon ng 30 days na extension na binigay ng MOFA noong nakaraang buwan ay muling nagpahayag ang MOFA sa lahat na pumasok bago at pagkatapos ng Marso 21 ay mabibigyan muli ng automatic 30 days extension. Ayon sa ahensya hindi na kailangan pa ng mga dokumento.
Samantala ang National Immigration Agency (NIA) ay nagbukas naman ng kanilang pinutan para sa overstayed o TNT sa pamamagitan ng programang Expanded Overstayers Voluntary Departure Program. Nakapaloob dito na lahat ng dayuhang walang permit para mag-trabaho at paso na ang visa ay maaring isumite ang sarili hanggang Hunyo 30.
Ayon sa ahensya lahat ng kusang loob na isusuko ang sarili ay hindi makukulong at hindi rin papatawan ng entry ban. Pero magbabayad pa rin sa maliit nalang na halaga ayon sa NIA.
-
photo of PHIVOLCS A Lava fountain has erupted at the main crater of Taal Volcano as of 3:20 a.m. and continuously erupting ashes and s...
-
Mga OFW na uuwi ng Pilipinas hindi na dadaan sa 14 days quarantine. Ito'y inihayag ng Overseas Workers Welfare Administration (OWW...
-
Hongkong (Oct. 6, 2019) - The uncontrolled situation in Hongkong paralyzes the business establishments and Public Utilities. Yesterday t...

No comments:
Post a comment