General Information and other helpful jobs

More than 14,000 OFWs had been tested for COVID-19, says President Duterte


Sa isinumiting report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 17th weekly report sa Congress hinggil sa kalagayan at bilang ng mga nasuring OFW sa COVID-19 ay umabot na sa mahigit 14,000 indibibdwal ang sumailalim sa nasabing testing.

Base sa ulat, nasa 14,430 na ang sumailalim sa rapid testing na pinangungunahan ng Philippine Coastguard sa NAIA Terminal 1 at 2, at sa mga Sea port mula pa noong Abril 23.

Umabot naman sa 6,911 ang sumailalim sa rapid testing mula Mayo 1 hanggang Mayo 7.

Nasa 8.029 namang mga OFW na naka-quarantine sa mga hotel ang sumailalim na sa pagsusuri.
At nasa 1,936 namang mga OFW na naka-quarantine sa mga barko ang dumaan na sa rapid testing.

Umaabot naman sa 5,863 ang bilang ng napro-proseso mga samples mula Mayo 2-6. Ayon sa datus ng Department of Health.

Samantala, nasa 11,086 na ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa. At bilang ng namatay ay nasa 726 na.

Bilang naman ng gumaling sa bansa ay nasa 1,999 na.




Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive