General Information and other helpful jobs

NHRI COVID-19 Vaccine is expecting to be released as early in Autumn, Says Taiwan Vice-president Lai



Chunan, Miaoli County- Naglabas ng magandang balita ngayon araw ng Sabado, Mayo 23, si Taiwan Vice-president Lai Ching-te (賴清德) hinggil sa update na ginagawang bakuna sa NHRI. Aniya, kapag naging tuloy-tuloy ang magandang progreso sa ginagawang bakuna ay maari na daw itong ilabas ng maaga sa Autum season.

"The NHRI will be the closer, because the moment it successfully develops drugs and vaccines against the coronavirus, the game will be over," ayon kay Lai.

Base sa Facebook post ng Bise-presidente ay binisita niya kahapon ang pasilidad ng National Health Research Institute (NHRI) sa Chunan Science Park sa Miaoli County upang kumustahin ang "ongoing research and development" ng bakuna na susugpo sa COVID-19.

Matatandaang buwan palang ng Pebrero ay nagsimula na ang NHRI sa pagsasaliksik ng gamot laban sa COVID-19 o mas kilala noon na Wuhan Coronavirus. Buwan ng Abril ng kumpirmahin ni NHRI President Liang Kung-yee (梁賡義) na nag-dedevelop nga ang kanilang pasilidad ng gamot laban sa sakit.

Sa pagbisita niya sa NHRI's Animal Biological Safety Level 3 (ABSL-3) laboratory sa Chunan sa Miaoli County ay pinasalamatan ni Vice-president Lai ang NHRI dahil sa naging malaking bahagi ito sa pagsugpo ng mga Health Outbreak gaya ng pumutok ang SARS noong 2002 at ang AVIAN Flu naman noong 2005. kaya ngayon ay inaasahang maglalabas rin ang laboratoryo ng mabisang gamot laban sa COVID-19.






Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive