Ulat hinggil sa kasalukuyang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas, base sa inilabas na datus ng Department of Health ngayong alas 4 ng hapon, araw ng Lunes, Mayo 4. Umabot na sa 9,485 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa.
Ngayong araw ng Lunes ay nadagdagan ng 262 ang bagong bilang ng COVID-19. At labing anim naman ang naitalang namatay dahil sakit. Sa ngayon ay nasa 623 na ang kabuuang bilang ng namatay dahil sa COVID-19.
Good news naman dahil nagtala ng 101 na mga gumaling mula sa sakit ngayong araw ng Lunes. Sa ngayon ay nasa 1,315 na ang kabuuang bilang ng nakauwi sa kani-kanilang mga pamilya.
No comments:
Post a comment