General Information and other helpful jobs

President Duterte orders to DOLE, OWWA and DOH for immediate release of 24,000 OFWs in quarantine facilities



Ngayong araw ng Lunes, Mayo 25, ay inatasan ni Pangulong Duterte ang mga ahensya nga DOLE, OWWA at DOH na madaliin na ang pagpapauwi sa kani-kanilang probinsya ang nasa 24,000 na mga OFW na lagpas buwan na ang iba na nanatili sa mga quarantine facilities ng gobyerno.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, binibigyan umano ng isang linggong palugit ni Presidente Duterte ang mga nasabing mga ahensya upang madaliin na ang pagproseso sa mga resulta ng COVID-19 test, nang sa ganun ay makauwi na sa kanya-kanyang mga pamilya ang mga OFW.

"Sinabi po ng ating Presidente ngayong umaga, mga ala-una y medya, na pwede nilang gamitin ang lahat ng resources ng gobyerno at gamitin nila ang lahat ng pamamaraan ng transportasyon, mapa-bus, mapa-eroplano, mapa-barko, para mapauwi na itong mga OFWs natin." Ayon kay Roque.

Iminungkahi rin ni Pangulong Duterte na buksan at palakasin ang mga PCR sa ibat-ibang probinsya ng sa ganun ay hindi na magkukumpulan ang mga OFW sa Metro Manila. At para madali na rin ang kanilang pagkuha sa PCR COVID-19 test.

"Hindi katanggap-tanggap sa ating Presidente, na matapos maglingkod para sa ating bayan bilang mga OFWs, na napahiwalay sa kanilang mga pamilya, nalungkot, at nahirapan sa ibang bayan, eh ngayon, lalo pang mahihirapan habang naghihintay ng kanilang mga COVID-19 results." dagdag pa ni Roque.

Sang-ayon daw ang Presidente na kinakailangang lahat ng ating mga manggagawa ay sumailalim sa COVID-19 [test], pero ang sabi niya, hindi katanggap-tanggap na napakatagal ng proseso bago sila makauwi.

Kaya asahan daw na magkakaroon ng implementasyon sa mga nasabing ahensya ngayong linggong ito. At inasahan rin ng pangulo na makakauwi na ang nasa 24,000 na OFW sa mga quarantine facilities.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive