General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Quarantine rules for returning OFWs has been revised


Simula ngayong Lunes, Huny 1, 2020, ay magbabago na ang patakaran sa mga paparating na pasahero sa Ninoy Aquino International Airport.  Para sa mga Land-based, Sea-based OFWs at mga Non-OFWs ay hindi na sasailalim sa 14 days mandatory quarantine. Ito'y base sa post ng Philippine Coastguard (Sub-Task Group for the Repatraiton of OFWs.

Ayon sa pamunuan, sasailalim nalang ng home quarantine habang inaantay ang resulta ng kanilang RT-PCR Test at ipapadala ang resulta sa pamamagitan ng email.

Ngunit nilinaw ng pamunuan na ang bagong guidelines ay para lamang sa mga nakatira sa National Capital Region. At sa mga nakatira sa probinsya ay walang pagbabago sa regulasyon, mananatili pa rin sa quarantine facilities habang inaantay ang resulta ng test. 

Ang Philippine Red Cross ang mag-proseso ng mga dokumento at ipapadala sa Philippine Coastguard o Bureau of Quarantine.


Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive