General Information and other helpful jobs

Taiwan continues its zero local case of COVID-19 in 48 days



Ngayong araw ng Sabado, Mayo 30, 2020. Base sa inihayag sa Presscon ng Central Epidemic Command Center ng Taiwan ay walang nagtalang bagong kaso ng COVID-19 ang bansa.

Kahapon ay nagtala ng isang bagong imported na kaso ng COVID-19. Ang pasyente ay lalaki nasa edad 20 na nag-aral mula sa bansang Russia. Nakaramdam ito ng mga sintomas noong Mayo 26 at basi sa mga isinasagawang pagsusuri ay positibo sa COVID-19 ang pasyente.

Pero sa kabila ng dadag imported case ay nanatili pa rin sa 55 ang lokal ng kaso ng COVID-19 sa bansa. At ngayong araw ang ika-48 araw na walang naitatalang lokal na kaso ng COVID-19.

Ngayong araw ay nasa 420 na ang kabuuang bilang na ang mga gumaling. At 15 nalang na mga pasyente ang nanatili ngayon sa mga ospital ayon sa CECC.

Sa ngayon ay nanatili pa rin sa 442 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa at 351 dito ay mga nahawaan sa labas ng bansa, at 55 naman ang local transmission. At pito naman ang binawian ng buhay.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive