General Information and other helpful jobs

Taiwan has 14 patients left in 46th day without local case of COVID-19



Ngayong araw ng Huwebes, Mayo 28 2020. Base sa inihayag sa Presscon ng Central Epidemic Command Center ng Taiwan ay walang may naitalang bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw.

Nakaraang Huwebes pa ng huling magtala ng isang kaso ang bansa, kung saan ang bagong pasyente ay nagtrabaho mula sa bansang Mexico. Pero sa kabila ng pagdadag ng imported case ay nanatili pa rin sa 55 na lokal ng kaso ng COVID-19 sa bansa. At ngayong araw ang ika-46 araw na walang naitatalang lokal na kaso ng COVID-19.

At ang magandang balita, ito ang ikapitong magkakasunod na araw na walang naitatalang kaso ng COVID-29. Ngayong araw ay nasa 420 na ang kabuuang bilang na ang mga gumaling. At 14 nalang na mga pasyente ang nanatili ngayon sa mga ospital ayon sa CECC.

Sa ngayon ay nanatili pa rin sa 441 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa at 350 dito ay mga nahawaan sa labas ng bansa, at 55 naman ang local transmission. At pito naman ang binawian ng buhay.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive