General Information and other helpful jobs

Taiwan has 26 patients left in the hospitals as they marked its 40th day without local case of COVID-19



Ngayong araw ng Biyernes, Mayo 22, 2020. Base sa inihayag sa Presscon ng CECC Taiwan ay walang naitalang kaso ng COVID-19.

Kahapon ay nagtala ng isang kaso, kung saan ang bagong pasyente ay nagtrabaho mula sa bansang Mexico. Pero sa kabila ng pagdadag ng imported case ay nanatili pa rin sa 55 na lokal ng kaso ng COVID-19 sa bansa. At ngayong araw ang ika-40 araw na walang naitatalang lokal na kaso ng COVID-19.

At ang magandang balita, ngayong araw ay nasa 408 ang kabuuang bilang na ang mga gumaling at nakauwi sa kani-kanilang mga pamilya.

Sa ngayon ay nanatili pa rin sa 441 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa at 350 dito ay mga nahawaan sa labas ng bansa, at 55 naman ang local transmission. At pito naman ang binawian ng buhay.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive