General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Taiwan has approved REMDESIVIR as medicine to cure COVID-19



Taipei (Mayo 30, 2020)- Inaprubahan na mga awtoridad na may kinalaman sa kalusugan ang gamot na "remdesivir" bilang mabisang gamot laban sa COVID-19. Ito'y inihayag ng Central Epidemic Command Center ngayong araw ng Sabado.

Ayon kay Wu Shou-mei (吳秀梅), Director-General of Taiwan's Food and Drug Administration (FDA), napagkasunduan na ng mga health expert ng bansa ang gamot na ito gagamitin sa may mga malalang kaso ng COVID-19.

Plano ngayon ng Taiwan na mag-import pa ng remdesivir para sa 1,000 katao na maaring mahawaan ng COVID-19 kung sakaling magkaroon ng second wave ang bansa. Inaasahang darating sa Hulyo ang gamot.

Aabutin lang daw ng 10 araw ang gamotan sa bawat pasyente.

"At the moment, even though clinical testing is still being carried out, it (remdesivir) is the drug we have seen so far that shows more promising results," ayon kay Wu.


Due to the emergency of the situation, Taiwan needs to quickly approve the drug for its patients, Wu said.

Naaprobahan na ng FDA ng Estados Unidos ang Remdesivir noong Mayo 1 at Mayo 7 naman sa bansang Japan.

Inaasahan sa susunod na linggo ay bibigyan na ng permit ang supplier ng gamot na nagpresenta noong Mayo 25. Ang nasabing gamot ay ginawa American-based biopharmaceutical company na Gilead Sciences, Inc.,
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive