Nanatili pa rin sa 440 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa Taiwan at walang naitalang kaso ng COVID-19 ngayong araw ng Huwebes, Mayo 14, 2020.
Ayon sa CECC Taiwan, ito na ang ika-32 araw na walang naitatalang kaso sa lokal na aspeto. At wala na rin naitatalang kaso mula sa hanay ng Navy.
Nasa ikapitong magkakasunod na araw na zero case ng COVID-19 ang bansa. At nasa 383 na ang kabuuang nakalabas mula sa mga ospital
Sa ngayon ay nanatili pa rin sa 440 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa at 349 dito ay mga nahawaan sa labas ng bansa, at 55 naman ang local transmission. At pito naman ang binawian ng buhay.
No comments:
Post a comment