General Information and other helpful jobs

Taiwan President Tsai Ing-wen alerted the National Government of possible effects of continuous heavy rain in the country



Dahil sa walang tigil na malakas na pag-ulan sa Taiwan, inalerto na ni President Tsai Ing-wen ang mga nasasakupan ng National Government upang bantayan at kumilos sa mga maapektuhang mga lugar.

Ngayong araw ng Biyernes, Mayo 22 ay pormal ng binuksan ni Pangulong Tsai, ang Central Disaster Response Center Level II kung saan pamumunuan ng ibat-ibang ahensya ng gobyerno alinsunod sa bagong regulasyon.

Samantala, inalerto na rin ng Pangulo ang mga Sundalo para rumesponde sa mga mangangailangan ng tulong. Nakahanda na rin ang mga tauhan sa pumping station kung sakaling aapaw ang mga dam. at iba pang malalaking daluyan ng tubig.

Ayon sa Pangulo nakaalerto ang National Government para sa mga mangangailangan ng ayuda lalo na sa mga maapektuhan lugar gaya ng mga nakatira sa kabundukan at flood prone area.

Inatasan rin ni Pangulong Tsai ang bagong commitee ng CDRC II na bantayan ang sektor ng agrikultura na lubhang naapektuhan dahil sa walang tigil na pagulan. Inatasan rin ng pangulo ang committee na agad magsagawa ng assessment at tulungan ang nasa sektor ng agrikultura kapag humupa na ang ulan.

Muling ipinagmamalaki ng pangulo ang bagong batas para sa mga magsasaka, ang "Agricultural Insurance Law" kung saan naipasa ito noong nakaraang araw, ang bagong batas ay may layongg bigyan ng retirement fund ang bawat magsasaka.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive