General Information and other helpful jobs

Taiwan recorded one new case of COVID-19, remained no local case


Update hinggil sa lagay at bilang ng COVID-19 ngayong araw ng Lunes, Mayo 4, 2020. Sa Taiwan pumalo na sa 437 ang kabuuang bilang ng mga nahawaan ng COVID-19. Ito'y base sa isinasagawang presscon ng CECC Taiwan tuwing hapon ng alas 2.

Ngayong araw ng Lunes, nagtala ang isang bagong kaso ng COVID-19 ang bansa kaya  umakyat na sa 437 ang kabuuang bilang. Ang isang babae na galing sa Estados Unidos na nasa edad 30 ang pinkabagong pasyente, ayon sa CECC Taiwan.

Kagabi, Mayo 3 ay kinumpirma rin ng CECC na merong 4 na bagong kaso ng COVID-19 mula sa hanay ng Navy, matatandaang kahapon nagtapos ang labing apat na araw na quarantine ng 713 na miyembro ng "Goodwill Fleet" subalit bago pa man sila i-release ay muling sumailalim ang lahat sa pagsusuri at apat dito ay nagpositibo sa COVID-19. Nasa 346 naman ang umulit ng testing ngayong araw, kapag lumabas na negatibo sa resulta ang nasabing bilang ay maari na silang makauwi sa kani-kanilang mga pamilya.

Samantala nanatili pa rin sa zero local case ang bansa, dahil ang mga naunang kaso ay pawang bumiyahe sa labas.


Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive